Chapter ten
KALEB’S POV’S
Sumusunod lamang ako sa mga desisyon ni Lucas dahil ayaw niya pang bumalik sa aming lugar, hinihintay pa niya si Clara na sumama sa kanya ngunit malabo ata mangyari ang bagay na iyon.
May nagbigay sa amin ng pagkakakitaan kaya sumang ayon kami ni Lucas at ang sabi niya ay kakilala niya si Clara.
Hindi nagdalawang isip si Lucas na tanggapin ang alok ng magandang dalaga na kakilala ni Clara.
At ngayon narito kami sa isang kakaibang lugar, hindi ko mawari ang ganda ng lugar na ito parang isang paraiso sa langit.
Pero mas maganda ang babaeng nasisilayan ko ngayon.
“ Natitipuan mo ba ang kaibigan ni Clara?”
“ Mali ang iyong hinala Lucas, ngagandahan lang ako sa lugar na ito.”
“ Kahit hindi mo sabihin ay, bakas sa iyong mukhang ang totoong kasagutan sa tanong ko.”
Kaibigan nga kita Lucas at alam mo ang aking ikinikilos.
Sumusunod lang ako sa mga iniaatas sa amin na gawain kaso nga lang hindi ko gusto an gaming kasuotan ngayon.
Lahat kami magkakapareho ng suot para kaming gwardya sibil.
Lumapit ako kay Clara upang tulungan siya sa pagbubuhat “ Salamat, ako na dito.”
“ Hindi mo rin ba ako naaalala Clara?” tanong ko sa kanya.
“ Kahit ilang beses niyong tanungin sa akin yan, hindi pa rin ang isasagot ko.”
“ Kaleb, ako to si Kaleb?”
“ Kaleb? Unique ang pangalan mo ah.”
“ Ano yung yunik?” tanong ko sa kanya
Hindi niya ako sinagot, kakaiba ang ibang salita ni Clara, parang hindi siya normal, ganoon din ang mga tao dito.
Kakaiba ang kilos, mga gamit at pananalita nila.
Anong lugar kaya ito? Ibang mundo kaya? Hindi naman kami nananaginip ni Lucas dahil halos ilang araw na kaming narito sa mundong ito.
Kung saan saan na kami napupunta, kung saan saan rin kami namamahinga.
Minsan may mga mabubuting loob na nagbibigay sa amin ng pagkain at damit. Ngunit hindi namin batid isuot ang ibang damit na ibinibigay nila lalo ang mga gamit na nakikita namin.
Halos lahat ng narito ay mabibilis, hindi gaya sa lugar namin.
“ Kaleb, mukhang hinahanap ka niya.” Itinuro sa akin ni Lucas ang magandang dalaga na kaibigan ni Clara kaya agad akong lumapit sa kanya.
“ Anong maipaglilingkod ko sayo magandang binibini.”
“ Aba ang galang mo naman,teka nakakailang naman yang sinasabi mo, Sharlene na lang itawag mo sa akin.”
“ Sha-sharlene.”
“ May ipapabuhat lang ako sayo, dalhin mo dito ha.”
“ Masusunod ang iyong inuutos.”
“ Nag weird niyo pero, pogi kase yung kasama mo kaya gorabells lang.”
“ Ano ang kahulugan ng weird at gorabells?”
“ Ha?”
“ Nako Sharelen, kailangan ka dun oh puntahan mo na.” Hindi ko namalayan na narito nap ala s atabi ko si Clara “ Sige na pumunta ka na dun.”
“ Okay, ikaw na bahal dito.”
“ Hays, mas mabuti pang huwag na kayo magsalita.” Sabi sa akin ni Clara
“ Gusto ko lang naman malaman ang kahulugan ng mga salita niyo dito.”
“ Alien ka ba? Hindi mo alam yun? Nako huwag mo na alamin mawiwindang ka lang.”
“ Hindi ko batid ang iyong salita.”
“ Ayoko na talaga sa earth.”
Maski si Clara ay iba ang sinasabi sa akin, kamukhang kamukha talaga niya si Clara ngunit, iba ang sinasabi nitong ngalan niya.
Maxine ang pagkakasabi niya, paano nangyari iyon? Siya lang ang nawalan ng alaala ng mapunta siya sa lugar na ito.
Kami naman ni Lucas, tanda pa namin ang lahat ng nangyayari noon at ang lugar namin, hindi nga lang namin alam kung saan ang daan pabalik sa aming lugar.
Nilingon ko si Lucas at pinapalapit niya ako sa kanya.
“ Sundin mo na lamang kung ano ang nakaatas na tungkulin sayo dito kapatid.”
“ Hindi ko mawari ang kanilang salita Lucas.”
“ Ganun din ako, ngunit naparito lamang ako para makita si Clara.”
Yun naman talaga ang pinakarason kung bakit kami narito, kahit hindi siya naaalala ni Clara ay pilit parin niyang inilalapit ang sarili niya rito.
Nakakaawa na ang kaibigan ko, hindi na nga natuloy ang kasal nila, hindi pa siya maalala ng babaeng pinakamamahal niya, napakasakit naman isipin ng lagay ni Lucas tapos wala pa kami sa lugar namin, hindi namin mawari kung saan kami napadpad.
Kakaiba talaga ang mga nangyayari simula noong uminom kami ng alak at nalasing, bigla na lang umiba ang takbo ng mundo naming at napadpad kami sa ganitong klaseng lugar.
******
JINGLE’S POV’S
Pinipilit kong pumunta sa kasal si Dylan dahil ayaw niya, kailangan niya umattend dun kaasar talaga si Dylan, napakatigas ng ulo.
“ Sige na please pumunta ka na”
“ Hindi ko nga kaclose yung mga ikakasal tapos ipupunta mo ko dun?”
“ Imbitado ka rin at inaasahan ka nila doon, nakakahiya kung hindi ka pupunta.”
“ Ayoko.”
“ Dylan naman, sumunod ka na lang sa sinasabi ko, kahit saglit lang tayo dun okay?”
“ Ayoko parin.”
“ Bakit baa yaw mo?”
“ Dahil nandun si Miraya.”
Sa totoo lang kung naging lalake lang si miss Aya nakasuntukan na ni Dylan yun, galit na galit siya sa babaeng yun pero sa mata ng mga fans nila akala nila lovers silang dalawa.
Ano ba naman ito.
Kung sabagay, may mahal naman kaseng iba si Dylan at itong si Miraya halatang ginagamit lang ang showbiz para maangkin si Dylan.
Ang akala kase nila walang girlfriend si Dylan, may gusto kase yung Miraya na yun kay Dylan, alam ko yun dahil todo tanong sa akin ng manager niya kung saan si Dylan at dahil yun kay miss Aya.
“ Kaya nga saglit lang tayo eh.”
“ Naiirita ako kapag ipinaglalapit kami sa isat isa, ayoko naman na isipin ng ibang tao na ginagamit ko siya para sumikat.”
“ Kayo kase ang matunog na couple ngayon kaya inimbita kayo sa kasal ng sikat ding couple sa showbiz.”
“ Kaya ayokong pumunta.”
“ Dylan naman.” Wala naming masama kung pupunta siya eh, uupo lang kami at kakain tapos uuwi na “ Saglit lang talaga tayo doon, promise.”
“ Maski na.” ang tigas ng ulo hindi man lang ako pagbigyan.
“ Okay fine kung ayaw, magreresign na lang ako bilang manager mo, pagod na ako sayo.”
Nag ayos na ako ng gamit ko dahil kasama niya ako sa dressing room niya, nagshoot siya ng commercial ngayon.
Hindi ko na siya pinilit, niligpit ko na langa ng mga gamit ko at tsaka binitbit ang bag ko.
“ Tinotoo talaga.”
“ Ayaw mong sumunod sa manager mo.”
“ Fine.” Napangiti ako, Mabuti na lang nakatalikod na ako sa kanya, palabas na kase ako ng pinto
“ Sasama ka na?”
“ Kagaya ng sabi mo, saglit lang tayo.”
“ Yes! Oo promise ako gagawa ng paraan, saglit lang talaga tayo.”
Sa haba ng pangungumbinsi ko sa kanya, yung pagwawalkout ko pa talaga ang umipekto, hay nako Dylan. Ako na kase ang pinakamabait na manager na nakilala niya, maski yung itinatago niyang girlfriend kilala ko at kaibigan ko na.
Nag asikaso na ako ng gagamitin niya dahil maya maya ay aalis na kami para umattend ng kasal, kailangan gwapo ang alaga ko mamaya.
Wala naman akong pake kay miss Aya kung nandun siya, hindi naman niya makukuha ang puso at kaluluwa ni Dylan dahil na kay Maxine parin ito.
Speaking of Maxine, himala ata hindi siya nangungulit kung nasaan si Dylan ngayon? Dati rati ang dami niyang missed calls at text sa akin pero ngayon wala ni isa.
Nagsawa na kaya yun? Hindi naman siguro.
Ayoko naman magtanong kay Dylan tungkol sa kanila dahil iba mood niya ngayon, para siyang ogre na napilitan hahaha.
[ Makalipas ang ilang oras ]
Papunta na kami ngayon sa venue ng kasal, maski naman ako hindi ko close yung ikakasal, kailangan lang talaga pumunta ni Dylan para hindi sya mapahiya, pasikat palang siya.
Derederetso lang ang lakad niya at lahat ng tao nakatingin sa kanya, alaga ko yan, ang pogi noh? Nakakatuwa sikat na sikat na talaga siya.
May sumalubong sa amin na crew at pinaghiwalay kami ng landas ni Dylan, ang saklap naman porke manager lang ako hindi na ako pwede tumabi sa artista?
Kasama niya sa iisang table si miss Aya at ang sama ng tingin sa akin ni Dylan, ako kase nasa kabilang table lang.
Kasama ko yung bagong manager ni miss Aya, papalit palit ng manager yun dahil ang balita ko bipolar ang babaeng yun at may sinto sinto haha parang ganun, yun kase ang pagkakadescribe ng mga dating manager niya.
Apat sila sa iisang table at yung kasama nila, couple din sa showbiz.
Grabe lang may mga paparazzi din ditto halata naman dahil bigatin ang mga bisita, kaya kailangan magpasikat ni Dylan ko.
Tumayo ako para kumuha ng maiinom ko.
“ Bigyan mo ko ng—” hindi ko natuloy ang sasabihin ko
“ Four flavors lang po ang juice naming.”
“ Maxine?”
“ Jingle?”
“ Bakit ka nandito?”
“ Bakit ka rin nandito?” yung tanong ko ako rin ang sasagot? “ Huwag mong sabihing? Nandito si Dylan?”
“ Tumpak.”
“ Nasaan siya?” nako po kailangan ko pa bang sabihin? Katabi niya si Miraya baka kung ano ang isipin sa kanila ni Maxine.
“ Nasa gitnang part, nasa right side.” Tumingkayad pa siya para hanapin si Dylan.
“ Ayun nga siya!” natuwa pa siya ng makita ito pero nagbago ang reaksyon niya ng mapagtanto niya kung sino ang kasama niya sa table. “ Yung kasama nila, sikat na couple sa showbiz, ibig sabihin—”
“ Nako Maxine, hindi ganun yun, naitabi lang talaga sila ni miss Aya sa couples hehe.”
“ Naiintindihan ko naman, trabaho niya yun.” Halata naming nasasaktan siya, babae rin ako noh, kahit wala akong boyfriend since birth dahil mataba ako simula palang noong bata ay alam ko ang pakiramdam ng selos.
Pinanganak din naman akong may feelings.
“ Clara, Mabuti pa ay magpahinga ka na.” ang pogi ng lalake, may lumapit na poging lalake kay Maxine ngayon.
“ Ano ba doon ka nga.” Bulong sa kanya ni Maxine.
“ Gusto lamang kita matulungan sa nakaatas sayong gawain.” Bakit ganun siya magsalita? Ang gwapo pa man din pero parang ang weird.
“ Hehe pinsan ko to.”
“ Kelan ka pa nagkapinsan?”
“ Malayong kamag anak.”
“ Kelan ka pa nagkaroon ng malayong kamaganak?”
“ Basta malayo, este pinsan ko to, sandal lang ah.” Hinila niya palayo yung gwapong lalake.
Humahanay sa kapogian ni Dylan mistiso pa man din yung pinsan? Ni Maxine.
At teka? Bakit tawag sa kanya Clara? Wala akong alam na kamag anak ni Maxine na narito kaya nagtaka ako.
Kung sabagay, malay natin nagsasabi siya ng totoo, ngayon ko lang kase nakita yung lalakeng yun, ang tagal ko ng kakilala si Maxine pero ngayon niya lang sinabi na may pinsan siya na malapit sa kanya.
Hindi ko na sinabi kay Dylan na narito si Maxine sa venue.
Unexpected talaga itong pagtatagpo nila, maski ako hindi ko inasahan to tapos narito pa si Miraya.
“ Magandang binibini ito na ang pinapakuha mong inumin, iniutos sa akin ni Clara.” May lumapit sa akin na wirdo pero may itsura
Magandang binibini? Malabo ba paningin nito? Ngayon lang ako nakarinig ng papering ganun dahil sa itsura ko walang nagsasabi niyan sa akin.
Nakakatuwa dahil may nakakaappreciate pa pala ng ganda ko.
“ Salamat.”
Sino kaya yun? Ano kaya pangalan niya? Kinilig ako dun ah, nawala bigla stress ko kay Dylan, makainom na nga lang ng juice.
Nanunuod na lang ako ng mga programa ng kasal dahil kainan na, syempre favorite part ko to.
Habang kumakain kami, may mga kung ano ano silang pakulo, nako patay na mukhang mapapasabak ang alaga ko ditto.
Lagot ako sa kanya pag uwi.
“ May dalawang sikat na couple ngayon ang narito.” Ayan ang ayaw ni Dylan lalo pa at katabi niya si Miraya, Mabuti na lang at hindi niya alam na narito si Maxine.
Tinawag si Dylan at ang mga kasama niya sa harapan, todo hawak si Miraya sa braso ni Dylan, nakakainis naman tong babaeng to napaghahalata na siya lang ang may gusto.
Napatingin ako kay Maxine, nakatingin lang din siya sa boyfriend niya.
Sorry Maxine, kasalanan ko rin to.