Chapter seventy one MAXINE’S POV’S Paalis palang kami ng bahay ni Lucas ng may makasalubong kaming delivery man na palapit sa bahay ko. “ Para po kay maam Maxine?” isang bouquet nanaman ng puting gumamela pero may kasama ng chocolate. “ Kanino galing?” tanong ni Lucas. “ Wala pong nakalagay sir.” Nagtinginan kami ni Luca dahil pati siya nagtataka, maski naman ako taking taka na rin kung sino nagpapadala sa akin ng mga bulaklak na paborito ko. May card nanaman na nakasali. “ Ang iyong ngiti ay kasing tamis ng mga tsokolateng iyan.” Pinagloloko ba ako nito? “ Puting gumamela?” parang may inaalala si Lucas sa mga bulaklak. “ Sumasakit ang ulo ko.” Bigla niyang hinawakan ang ulo niya kaya dali dali ko siyang pinaupo. Umalis naman agad yung courier ng maibigay sa akin yung bulaklak.