Chapter seventy two MAXINE’S POV’S Pagpasok ko ng tent naabutan ko si Dylan na nagbabsa ng magazines, yung magazine namin ni Lucas yun ah tinititigan talaga niya. “ Bakit mo ko hinihintay?” “ Nag aalala ako sayo.” “ Wala ka dapat ipag alala sa akin, nasa tamang tao ako.” “ Hay nako Maxine, hanggang kelan?” natigilan ako sa sinabi niya. “ Anong hanggang kelan?” “ Hanggang kelan dito si Lucas, yun ang ibig kong sabihin.” Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng itanong sa akin yan ni Dylan, hanggang kelan nga ba? May limitasyon ba si Lucas sa panahon namin? “ Inaalala kita Maxine, naniniwala na ako sa mga sinabi mo.” “ Naniniwala ka ng galing sila sa ibang panahon?” “ Oo, sa totoo lang matagal na akong naghihinala sa kanila kaya nangalap ako ng kung ano anong impormasyon tungkol kay