Chapter seventy three DYLAN’S POV’S Pinuntahan ko ang kaibigan ni Lucas na si Kaleb, huling araw na ng shooting namin ni Maxine at wala na akong scene kaya dumiretso ako sa bahay nila Maxine. “ Bakit nandito ka?” para akong hahampasin ng kaldero nitong kaibigan ni Lucas. “ Relax, wala akong gagawing masama.” Umupo ako sa may malapit sa kusina. “ May mga gusto lang akong malaman at tanungin, siguro naman ngayon magsasabi ka na ng totoo.” “ Ano ang gusto mong tanungin?” “ Paano kayo napadpad dito?” “ Bigla na lang kaming hinigop ng puno at napunta na kami sa panahon niyo, wala nga kaming kaalam alam noong una naming tapak sa panahon ninyo, kakaiba na ang paligi pati na rin ang pag uugali ng mga tao.” “ May hinahanap ba kayo noon kaya kayo napadpad dito?” “ Oo, yung babaeng pakakasal