Chapter seventy four MAXINE’S POV’S Hindi ko akalain na may nakakakilala pa pala kay Lucas dito sa panahon namin, ang pagkakarinig ko ay isa siya sa mga batang isinasama ng kanyang ama sa bukid nila Lucas kaya nakilala niya ito. Mabait na tao ang pagkakakialla niya kay Lucas. Yun nga lang hindi ko alam kung totoo at tama pa ba ang binanggit ni lolo kanina ng sabihin niyang may asawa na si Lucas. “ Tinawag niya akong Emily.” Banggit ko sa sarili ko, sino si Emily? Baka naman dating girlfriend ni lolo yun kaya nabanggit niya. Nag uulyanin na siya dahil sa katandaan kaya malamang iba iba na ang nasasabi niya, dun lang siya nagkamali at isa pa wala namang asawa si Lucas. Kung sabagay, hindi ko naman alam kung ano bang nangyari noong panahon nila, nagtravel lang si Lucas ngayon sa panah