Chapter seventy five DYLAN’S POV’S Narinig ko ang balita sa TV na nagcollapse daw si Lucas kaya dali dali akong pumunta sa ospital kung saan siya dinala. Naabutan ko doon yung may ari ng agency at si Maxine na tulala. “ Maxine.” Hindi niya ako nililingon. Tumayo yung matandang babae na katabi niya at hinila ako palayo. “ Ako na ang bahala dito, hindi mo siya makakausap ng maayos.” Para ngang wala sa sarili si Maxine. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam ko ng mangyayari ito kaso, natatakot akong sabihin kay Maxine ang tungkol dito dahil baka mas lalo siyang malungkot. Hindi ko na inabala pa si Maxine dahil hindi ko siya makausap ng maayos, naghihintay siya ngayon sa labas ng emergency room. Yung kaibigan na lang ni Lucas ang pupuntahan ko ngayon. Kailangan na nilang malaman ang to