Chapter seventy six DYLAN’S POV’S Nakatulog agad si Maxine ng maiuwi ko siya sa bahay niya siguradong pagod na pagod siya kakaisip kay Lucas kung ano ba ang totoong nangyayari sa kanya, maaga pa naman kaya bumalik ako sa ospital upang kausapin si Lucas. Babalikan ko na lang ulit si Maxine dito mamayang madaling araw, sanay naman ako magpuyat. Mabuti na lang naabutan kong gising sina Kaleb at Lucas sa loob ng kwarto niya. “ Oh, nasaan si Maxine? Akala ko ba babalik siya dito?” tanong ni Kaleb. “ Nakatulog siya, hayaan niyo na muna siyang magpahinga.” Tinignan ko si Lucas at mukhang alam na niya ang tungkol sa mangyayari sa kanya. “ Nasabi mo na ba sa kanya?” “ Alam na niya at nararamdaman naman pala niya na mangyayari iyon.” “ Kahit na umalis ako hindi ko parin ipagkakatiwala sayo si