Chapter seventy seven MAXINE’S POV’S Sobrang saya ko ngayon dahil maayos na si Lucas at nakalabas na rin siya sa ospital, kaming dalawa lang ngayon dito sa bahay dahil may importante daw na pupuntahan si Kaleb, ayaw naman niyang sabihin sa akin kung saan. Si Lucas ngayon ang nagluluto, pinilit niyang magluto siya at maupo lang daw ako sa tabi niya. “ Mas marunong ka ba magluto kesa kay Kaleb.” “ Sa akin siya natuto.” “ Weh? Di nga?” “ Oo, pinapaubaya ko na lang sa kanya ang kusina para hindi siya mabagot.” Napakatalented talaga ni Lucas, tinititigan ko lang siya ngayon at halata sa kanyang mukha na masigla na siya. “ Naiilang ako.” “ Bakit?” “ Grane ka tumitig.” “ Ay haha, sorry naman, gusto ko kase araw araw na nakikita ang iyong mukha.” Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ni