Chapter thirty four DYLAN’S POV’S Pinapakitaan ko ng talent ko si Maxine kaso sa iba siya nakatingin, ano ba? Bakit hindi man lang siya tumingin sa akin kahit sandali? Yung Lucas ang tinititigan niya simula pa kanina. Kahit saglit na lingon hindi ko siya napansin. Mabuti na lang at mahihirap na scene ang ishoshoot namin ngayon at itong Lucas ang pahihirapan ko, maayos ang pagkakadouble niya sa akin kaso nga lang hindi maiiwasan na masaktan siya. Malamang naman kase kadouble ko siya at ako ang iniingatan nilang huwag masaktan. At matapos ng ilang minutong shoot namin ay bigla kong narinig ang boses ni Maxine, nilapitan niya si Lucas at kausap siya ngayon ni direk. “ Anong ginagawa ng babaeng yun?” hindi ko gaanong marinig ang usapan nila pero halatang nakikipagtalo si Maxine kay dir