Chapter thirty five MAXINE’S POV’S Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang isang may edad na babae, hindi pa naman siya gaanong matanda mga nasa edad ng 60? 50? Ewan dahil nakapasexy ng katawan niya at halatang mayaman. “ Sino po kayo?” “ Maaari ba akong pumasok?” nakangiting tanong niya sa akin. Wala siyang kasama, mag isa lang siya. Napansin ko yung nakapark na sasakyan sa may harapan, mahal yun ah, sa kanya kaya yun? Hindi ko pa siya pinapapasok pero pumasok siya ng kusa at umupo sa sofa. Sila Lucas at Kaleb nasa gilid ng pinto at nakatingin lang sa matandang babae. “ Sino ba kayo?” “ Ako ang nagmamay ari ng isang agency.” “ Agency nanaman?” tanong ni Kaleb. “ Huwag kayong mag alala, magaling kami mag alaga ng artista ang iba nga ay nasa ibang bansa na.” “ Nandito ba kayo