Chapter thirty six MAXINE’S POV’S Hindi ako makapagsalita ngayon dahil iiwan ko na silang dalawa. “ Ayos lang ba sa inyo ang ganitong lugar?” tanong ko sa kanila. “ Ayos na aos sa akin!” sagot agad ni Kaleb kaso si Lucas ngumiti lang. “ Kung ganun, kailangan ko na ring umalis.” Nawala ang ngiti nilang dalawa ng sabihin ko yun. “ May trabaho na si Lucas at may tutuluyan na kayo kaya naman uunahin ko na rin ang sarili ko, maghahanap na rin ako ng part time at uuwi dahil walang mag aasikaso sa bahay.” “ Maxine maraming salamat sayo.” Sabi ni Kaleb sa akin. “ Salamat.” Matipid na sabi sa akin ni Lucas. “ Wala yun, alam ko naman ang sitwasyon niyo kaya tinulungan ko kayo, kung may problema kayo pwede niyo naman akong tawagan, nasulat ko na diyan sa may notebook malapit sa telepono yung