"SAAN ka pupunta, Ate?" maang na tanong ni Jomar sa kapatid. Bigla naman kasi itong umalis sa tabi niya. "Wait me here, Jomar. Well it's time to end up this ill-fated relationship with them." Sagot ni Annalyn saka patakbong lumapit sa kinaroroonan ng taong ilang buwan na rin niyang hindi nakita. Ang huli nilang pagkikita ay noong pareho silang nasa Thailand. "Ate, no---" Pagpipigil ni Jomar sa kapatid. Ngunit huli na upang pigilan ito. Dahil patakbo na itong lumapit sa halatang kagaya nilang bagong dating galing sa ibang bansa. NAKARAMDAM tuloy siya ng pagsisisi dahil pumayag siyang uuwi na sila. Mahigit isang buwan din silang nanirahan sa America at napansin niya ang pagbabago nito. Bumalik ang dati nitong ugali. Subalit hindi niya akalaing sa isang iglap ay magbabago rin ang lahat.