"Saan nanggaling ang mga putok? Akala ko ba'y apat lang ang nandito? Hanapin n'yo sila!" MGA ilan lamang sa binitiwang salita ni Mr Yeonto. Hindi naman sila natatakot lalo at wala naman silang nakikitang kalaban. He's about to order them to retreat when he heard his daughter's voice. "Help! Help! I'm here! Help!" sigaw nito. Then he turned around! At hindi nagdalawang-isip, lumapit siya rito upang itakas. "Melissa! Ano'ng nangyari sa iyo? Bakit ka nakagapos?" Lumapit siya rito upang kalagan sana ito pero hindi pa man niya nasimulan ang balak ay natigilan na siya. "Akala ko ba'y matalino ka, Mr Yeonto? Sa simpleng pain ay kumagat ka. Alam mo bang gustong-gusto kitang patayin ngayon din? I became a fugitive instantly because of you. Instead of going home in my country, I needed to hide