"Mom, when we are going back to America?" tanong ni Reign Wayde sa inang abala sa paglilinis. Subalit dahil wala namang alam na dahilan kung bakit naitanong ng anak ang bagay na iyon ay ibinalik din ni Adel ang tanong nito. "Bakit, anak? Ayaw mo na ba rito sa lugar nina Uncle at Grandma?" Pansamantala nga niyang itinigil ang ginagawa at bahagya itong hinarap. Saka pa lamang niya napansing masama ang timplada ng mukha. Kaya't muli siyang nagtanong. "Why, son? What's the matter?" "Jewel, what's your problem? Why your twin brother suddenly asking when we are going back to America?" "We are not citizens here, Mommy. Naturally, we need to go back there. And besides, I don't like here. It's so creepy that's makes me irritated. Those children like us outside are just staring to us. It seems