"WOW! Tama pala ang sinasabi nilang napakaganda ang Laoag City, mahal." "Oo, mahal. Kaya nga dito kita dinala kaysa tumuloy tayo sa mga malayo naming kamag-anak sa Mt Province." "Maraming salamat, mahal. Dahil sa iyo ay nakarating ako rito. Hmmm, saan tayo ngayon manunuluyan?" "Sa ngayon ay kailangan muna nating manuluyan sa apartment o 'di naman kaya ay sa mga transient habang naghahanap ako ng house and lot na ating bibilhin." Sa tinurang iyon ng asawa ay natigilan si Adel. Masaya siya dahil sa wakas ay magkasama silang dalawa bilang mag-asawa. Subalit natatakot siya na baka maghirap ito dahil sa kaniya. Namulat ito sa karangyaan, may mga nauutusang katulong at bank manager ito. "Hey, my little one. What's on that frowning? May problema ba ang mahal ko?" Dinig niyang tanong nito. N