"What?! Did I heard it right?!" Napalakas ang boses ni Ginang Janelle dahil sa narinig. "Relax, mother dear. Huwag kang mag-alala dahil gagawin natin ang lahat upang mahanap natin silang mag-iina." Pang-aalo ni Rennie Grace sa inang kulang na lamang ay magsalubong ang mga kilay. "Hey, son! Akala ko ba ay nagkita kayo ng pinsan mo? Where is he now?" baling at tanong ni Ginoong Pierce Wesley sa pamangking bagong dating. Labis-labis ang pagtataka niya dahil wala naman itong kasamang dumating. "Natulog doon, Papa. Ang sabi po niya ay mauna na po ako dahil luluwas siya ng Laoag. Ngunit duda akong magawa pa niya iyon. Dahil nalasing na po. Pero huwag na po kayong mag-alala dahil kaibigan niya ang may-ari sa bar at isa pa ay kinausap ko itong huwag pabayaan." Kahit bihira niyang makasama ang