"Oh my God! What I have done to my wife?" piping tanong ni Reynold Wayne nang nadatnan ang asawang mahimbing ang tulog sa sofa. Ilang sandali rin niya itong pinagmasdan. Malaki na ang ipinagbago ng katawan nito kaysa dati. Bukod sa mas lumitaw ang pagka-morena ay medyo pumayat pero mas gumanda. Mas naging mahubog ang katawan nito. "I'm so sorry, Mahal ko. Hayaan mo sana akong makabawi sa aking pagkakamali sa iyo. Ipinapangako kong hindi na iyon mauulit pa. Mahal na mahal kita, Adel Dela Peña." Yumuko siya ng bahagya saka kinintalan nang halik sa noo. DAHIL ayaw din niyang maudlot ang mahimbing nitong tulog ay dahan-dahan niya itong binuhat saka dinala sa kanilang silid. "Good night, Mahal ko. I love you so much," seryoso niyang saad nang nailapag na niya ito sa kanilang higaan. KINABU