"For Pete's sake, Adel! All of those months! Wala ka na ba talagang magandang magawa sa buhay? Alam mo bang ng dahil sa iyo ay ilang beses nang nalagay sa panganib ang mga anak mo? Nang dahil sa iyo ay nawala rin ang ipinagbuntis at inalagaan mo sa iyong sinapupunan ng siyam na buwan? Hindi na kita kilala sa lagay na iyan, Adel!" Malakas na sigaw ni Antonette sa nag-iisang kapatid. Hindi man siya agad nakadalaw dito nang isinugod ito ng bayaw sa pagamutan ngunit silang mag-asawa rin ang madalas tumambay o magbantay dito. Subalit sa araw na iyon ay shocked talaga siya sa nalaman. Nauunawaan na niya kung bakit parang wala sa sarili ang bayaw. "Ginawa ko lang ang alam kong nararapat, Ate. At kung sa tingin ninyong lahat ay makasalanan ako dahil totoo naman ay tatanggapin ko iyon ng buong-bu