"ANIM na taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang lahat ngunit ngayon lang nagsalita ang batang iyon ng ganoon, pinsan. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang desisyon kong umuo kay Reign Wayde," ani Reynold Wayne kasabay nang paglagok sa laman ng wine glass niya. Ang wine na iniregalo rin ng anak niyang lalaki. "At ganoon na rin katagal na gusto kong itanong sa iyo ang tanong na ito, insan. Handa ka na bang harapin ang lahat? Most specially my sister in-law. Maaring wala tayong kaalam-alam kung nasaan siya ngayon ngunit masasabi ko ring madali lang iyan basta pakilusin mo ang iyong pera. Alam ko namang sobra-sobra ang mayroon ka para gamitin iyan. Ngayon ay inuulit ko ang aking tanong, handa mo na bang palayain ang galit sa iyong puso? Kaya mo na bang tuparin ang binitiwan mong pan