"Hindi ko alam kung paano ako magsimula, Adel. For the second time around we met each other in like this situation. Ngunit maari ba tayong muling magsimula, mahal? Marami na akong kasalanan sa iyo kaya't useless na ring humingi ako ng paumanhin. Dahil hindi ko naman maipangakong hindi na ako nagkakamali," panimulang pahayag ni Reynold Wayne habang nakatitig sa kisame. "Tama, mahal. Lahat tayo ay nagkakamali. Ngunit kung patuloy nating ikulong ang sarili sa nakaraan ay walang mangyayari sa ating buhay. Dahil nasabi mo na ring walang silbi ang paghingi natin ng paumanhin sa isa't isa kung patuloy naman din tayong nagkakasala. Instead, gamitin nating leksyon ang mga karanasan natin sa nakaraang taon at sikaping magbagong buhay na walang inaapakang tao." Tumagilid si Adel at hinarap ng maayo