"Tama na iyan, ano ba?! Sa akala mo ba ay may natutuwa sa nangyari sa kasal ninyo ni Adel? Imbes na asikasuhin mo siya ay ang pag-iinom ang inaatupag mo!" "Masakit, Mommy. Walang kasing sakit ang nandito. Kung bakit kasi nagsulputan ang mga hayop!" Imbes na makinig siya sa sermon ng ina ay binalewala niya at iba ang sinabi. Kaso ang ama naman ang nagsalita. "Anak, ikaw na rin ang nagsabing mga hayop sila. Ang isipin mo ngayon ay kung saan natin hahanapin ang nasa likod nang bigla nilang pagsulpot. Ilang araw na ang nakalipas simula noong dinala natin sa pagamutan si Adel at hanggang ngayon ay hindi ka pa nagtungo roon. Makinig ka naman sana sa amin ng Mommy mo. Fix yourself before it's too late." Awang-awa nga sila rito. Ang asawa ay nasa ICU dulot nang pagkabundol sa araw mismo ng kas