"They are your children, son. For what reason why Adel chooses to left them with us instead of you directly is I don't know," pahayag ni Ginoong Pierce Wesley habang nakatanaw sa asawang halatang nahihirapang paamuin ang mga apo. "Hindi ko alam, Daddy. Wala akong ibang maidahilan dahil talaga namang mali po ang nagawa ko hindi ko iyan ikakaila. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay ginawa niyang lumayo na hindi man lang nagsalita. Tama, nagkamali ako pero mas gugustuhin ko pang sumbatan niya ako kaysa ang basta na lamang siya umalis. "Anak..." "Alam ko, Daddy. Walang pagsisi sa unahan. Kaya't kahit magsisi man ako ngayon dahil sa nagawa ko ay wala na ring silbi. Dahil muli ko na naman siyang nasaktan at wala na naman siya rito sa ating bansa. Kahit pa sabihing maari ko siyang sundan sa ib