Nagising ako ng masama ang pakiramdam. Nanakit ang aking ulo. Nang mag-mulat ako ng mata ay agad kong namataan si Thaddeus na nasa tabi ko at hawak hawak ang aking kamay. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Pupungas pungas siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nang makitang gising ako ay agad siyang tumayo. "B-baby, you okay? Walang masakit sayo?" He ask. Umiling ako at ngumiti, "Is the baby okay?" I ask. Tumango siya at pinugpog ng halik ang likod bg aking palad, "f**k, I'm sorry. Baby, I'm so sorry. Sorry, s**t," humikbi siya at niyakap ang kamay ko. Suminghap ako at tinitigan siya, nangingitim ang ilalim ng kaniyang mata. May stubble siya at maga ang mata. "Bakit hindi ka nag-tiwala sa akin?" Nag-init ang sulok ng aking mata. Ang mainit na luha ay bumagsak mula sa aking pisngi.