Kasalukuyan akong nag-aayos para sa pagpunta namin kanila Betty. Nag-blower ako at ini-straight ang aking kulot na buhok. Nag-dress ako para hindi maipit si baby. Nag-doll shoes ako at bumaba na. Nangunot ang noo ko ng makitang balisa si Thaddeus, humawak ako sa baywang niya, "Problen?" tanong ko. Bumuntong hininga siya at tinanggal ang pagkakahawak ng aking kamay sa kaniyang baywang, "Pwede ba na 'wag muna tayong pumunta sa bestfriend mo? Nag-aaya ng inuman sila Lucas," aniya. Tumango ako at pilit na ngumiti. I'm a bit disappointed, nakapag-promise na pa naman ako kay Betty, hays. Umalis agad siya at hindi man lang nagpa-alam sa akin. Umupo ako sa couch at tinawagan si Betty. "Hello, nasan na kayo?" excited na tanong niya. Bumuntong hininga ako, "Hindi kami matutuloy. Umalis si