Chapter 4

931 Words
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa morning sickness ko. Naramdaman kong may humagod sa aking likod kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pagtapos kong magsuka ay nanghihinang napasandal ako sa pader. Masakit sa tiyan, mahapdi. Naramdaman ko ang pag-punas ni Thaddeus sa aking mukha, wet wipes 'yon. Nang tignan ko ang suot ko ay naka-daster ako, pero hindi 'to 'yong daster kahapon ha. Kakabili lang ni Thaddeus nito kahapon at infairness, may taste siya. "You okay?" tanong niya at binuhat ako. Tumango ako at umungol. Nilagay niya ako sa kama at tinabunan ng comforter. Kumuha ako ng unan at itinabon 'yon sa aking mukha. Tinatamad na naman ako kumilos pero nakakahiya naman, nakikitira na nga lang ako tatamad tamad pa. Umupo ako at sumandal aa headboard ng kama. Tatayo na sana ako ng lumapit sa akin si Thaddeus, "Where are you going?" he ask. "U-uh, tutulong sana ako sa household chores," mahinang sabi ko at tumingin sa kaniya. Kumunot ang noo niya, "No, hindi ka tutulong sa gawaing bahay. Wala kang gagawin, your carrying my child. Understand?" cold na sabi niya. Tumango ako at ngumuso. May kumatok sa pinto kaya naputol ang titig niya sa akin. Tumalikod siya at dahan dahan nag-lakad papunta sa pinto. Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa pwet niya, s**t ang laki! Parang ang sarap pisilin! Parang tinapay! Naku, Ariela tumigil ka na nga sa kakapantasya mo. Nang ma-buksan na niya ang pinto ay pumasok si Snow na naka-PJ's pa. Naka-nguso ito at kinukusot ang mata. Binuhat siya ng Daddy at itinabi sa akin. "Good morning, Mommy," paos na sabi niya at yumakap sa akin. Ngumiti ako, "Good morning, sweetheart. How was your sleep?" tanong ko. Ngumuso ito at hinimas ang tiyan ko, "Fine, Mommy. Good morning, baby! Labas ka na diyan para we can laro laro na," at ayan na naman ang conyo niya. "Hmm, lalabas na din si baby Ate. Wait ka lang," sabi ko at bahagyang tumawa. "I hope babae baby mo po. Para we can laro a barbie!" sabi niya. Ngumiti ako at hinaplos ang kulot niyang buhok, ang cute cute naman nitong bata na 'to. "Let's go eat?" Her Daddy ask. Nagkukumahog na tumayo si Snow at nagpa-buhat sa ama, "Yes, Daddy! I want a pancake ha! And a milk din po!" She adorably said. Tumayo na din ako at sumunod na sa kanila. Sumakay kami sa elevator at dumiretso sa dining area. Madaming paglain ang nakahanda at natakam agad ako dahil sa amoy niyon. Umupo na sila Thaddeus kaya umupo na din ako. Kung anong ginagawa nila ay ginagawa ko rin. Aba, malay ko ba sa ganito, hmp. Pagtapos kumain ay tumambay ako sa sala kasama si Snow. Nagulat na nga lang ako ng biglang umingay ang bahay dahil dumating ang mga kaibigan ni Thaddeus. Madami sila, anim siguro. Tatlong babae at tatlong lalaki. "Hi," bati sa akin ng isang babae. Ngumiti ako at bumati pabalik, "Hello," mahinang sabi ko. Ang dalawang babae naman ay mangha lang na naka-tingin sa akin kaya na-concious ako sa itsura ko. "Mommy, this is Tita Claire, Tita Elena and Tita Faith. They're pretty right?" masiglang sabi ni Snow at yumakap pa sa akin. Tumango ako at ngumiti, magaganda naman talaga sila. Halatang galing sa mayamang pamilya. Mapuputi at ang kikinis. "But you are prettier Mommy ko!" Snow said. Ngumiti ako at hinaplos ang kulot niyang buhok, napaka-sweet na bata ni Snow. "H-hi, I'm Ariela," sabi ko sa kanila at ngumiti. "Ako naman si Claire! Ang ganda mo! Ang puti mo pati, ang kinis," sabi niya at hinaplos ang balat ko. "Anong shampoo mo 'te? Anak mayaman ka 'no?" Tumawa ako at umiling, "Uhm, hindi ako anak mayaman," sabi ko. Nag-kwentuhan kami at nakikisali pa sa amin si Snow kaya nawiwili ako. Pagtapos ng kwentuhan ay nagka-ayaan sila na maligo sa pool. May swimming pool kasi dito sa mansyon ni Thaddeus. Nang niyaya ako nila Elena ay umiling ako, nakakahiya naman kasi. Sila naka-swimsuit e ako wala no'n! "Sige na, tara na! Minsan lang naman e," ani Faith at ngumuso. "W-wala kasi akong swimsuit," sabi ko. "'Yon lang naman pala e! No problem!" ani Claire at may hinalungkat sa bag niya. Pagtapos ay inabot sa akin ang black na swimsuit. Nahihiyang tinanggap ko naman 'yon at nag-punta sa CR para mag-palit. Pagtapos ay lumabas na din ako. Nakita ko si Snow na naka-swimsuit na kulay pink. Ang cute naman! Nang tumingin sila sa akin ay ngumiti ako. "Anong nangyare sa tiyan mo, 'te? Busog na busog ka ba at ang laki niyan?" ani Elena. Tinawanan ko lang siya at kinuha na ang kamay ni Snow. Dumaan kami sa backdoor dahil doon naka-pwesto ang pool. Andoon na ang mga lalaki, nag-iihaw sila at nagbubukas ng alak. Siguro iinom. Dumiretso muna kami sa cottage kung saan andoon sila Thaddeus. Maharan akong hinila ni Snow para ma-upo ako sa tabi ng ama. Umupo naman ako habang si Snow naman ay nagpa-kandong sa Daddy. "Shot muna tayo!" si Elena at uminom ng alak na naka-lagay sa baso. Lahat sila ay nag-shot except sa amin ni Snow. Syempre bawal pa sila Snow bata pa e. "Ikaw naman, Ariela!" ani Faith at inabot sa akin ang baso. "Bawal, magagalit si Thaddeus," sabi ko at ngumisi. Tumingin naman si Faith kay Thaddeus, nagtatanong. "She's pregnant with my child, that's why," cool na sabi ni Thaddeus. "Weh? Weh? Patingin nga ako ng tummy mo!" ani Claire at pinatayo ako. Ngumuso ako ng hinaplos niya 'yon, "Hala oo nga! Kaya pala ang laki kanina! 'Di mo naman sinabi," sabi niya at ngumuso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD