Chapter 5

877 Words
Gabi na ng umahon sila sa pool. Ako ay hindi nag-tagal dahil baka magka-sakit pa ako. Kasalukuyan akong nasa kwarto at naka-higa. Katabi ko si Snow na naka-yakap sa akin. Her Daddy is in the comfort room, taking a shower. Bagsak si Snow dahil sa kapaguran. Ako din nama'y napagod din. My breast are aching, part of pregnancy. Huminga ako ng malalim at hinaplos ang buhok ni Snow. Nasaan kaya ang nanay nito? Sigurado ako na maganda ang nanay ni Snow. Kitang kita naman sa mukha niya. Bumukas ang pinto ng comfort room kaya napatingin ako doon. Lumabas si Thaddeus doon na naka-boxer lang at nagpupunas ng buhok. Napalunok ako. Umayos ako ng higa nang ma-upo siya sa tabi ko. He caress my tummy, "May gusto ka ba?" paos na tanong niya. Meron! Meron! Gusto ko 'yang abs mo! Tumikhim ako at tahimik na umiling. Nakita ko pa ang pag-tango niya. Lumipat na siya sa kabilang side ng kama at humiga doon. Bali, nasa gitna namin si Snow. Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising dahil sa morning sickness. Tulog pa ang mag-ama ng tumayo ako sa kama. Nakayakap si Snow sa ama habang si Thaddeus naman ay kalong kalong ito sa braso niya. Lumabas ako sa kwarto at bumaba. Nag-luto na lang ako ng makakain ng mag-ama. Uminom muna ako ng gatas bago kumilos. Napapangiwi ako ng maramdaman ang masakit na dibdib. Natapos na din ako sa pagluluto. Naka-ready na ang lahat sa lamesa, ang mag-ama na lang ang kulang. Speaking of mag-ama, rinig ko na ang yapak ng paa ni Thaddeus at ang pag-tangis ni Snow. Nangunot ang noo ko sa pagtataka, bakit naiyak 'yon? Maya maya pa'y pumasok si Thaddeus sa dining area at umupo, buhat buhat niya si Snow. "How many times do I have to tell you, Snow? No sweets in the morning, right?" galit na saad ni Thaddeus. Rinig ko ang pag-hikbi ni Snow kaya naawa ako. Kawawa naman baby girl ko. Tahimik akong umupo sa upuan ko. Napa-sulyap sa akin si Snow kaya lalo itong humikbi at ngumuso. Bumuntong hininga ako at binuka ang dalawa kong kamay, inaaya siyang sumama sa akin. Bumaba naman siya sa kandungan ng ama at sinubsob ang mukha sa aking tiyan. Humihikbi pa rin siya. Kinapa ko ang likod niya, basa 'yon. Tumingin ako kay Thaddeus, "Towel, please." Inutusan naman niya ang isang kasambahay para kumuha ng pamunas. Nahikbi pa rin si Snow kaya napatingin ako sa kaniya. Namumula ang ilong at pisngi niya at lalo 'yong nakapagpa-cute sa kaniya. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang palad ko, tumingin ito sa akin at ngumuso. "M-mommy," aniya at umiyak uli. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, 'tong batang 'to napaka-cute talaga. "Stop crying na, baby. We will eat sweets later when you finish your food. And, you need to eat a vegetables, okay?" malambing na sabi ko. Dumating na ang kasambahay na inutusan ni Thaddeus. Inabot sa akin ang towel kaya pinunasan ko ang luha sa pisngi ni Snow. Ang isang towel naman ay inilagay ko sa kaniyang likod. Tumango naman ito kaya ngumiti ako. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pag-iling ni Thaddeus. Umupo na sa chair si Snow. Nilagyan ko ng pagkain ang plato niya kaya nag-simula na siyang kumain. "You are listening to your Mommy. Sakin hindi?" galit na sabi ni Thaddeus. Paano hindi makikinig sa'yo ini-spoiled mo! Ngumuso si Snow at humikbi na naman. Nakagat ko ang lang-ibabang labi ko. 'Tong mag-tatay na 'to ang aga aga e. "S-sorry, Daddy," naiyak na sabi ni Snow. Lumapit naman ako sa kaniya at tinahan siya. Nakita ko ang pag-lambot ng ekspresyon ni Thaddeus. Lumapit din siya kay Snow saka ito binuhat at hinalikan sa noo. "Just don't eat sweets in the morning. Daddy is sorry too, baby." "No, I won't eat sweets na in the morning po Daddy," sabi ni Snow. Ngumuso ako at nag-simula ng kumain. Nagugutom na kami ni baby e. Naglalambingan na ang mag-ama at nagka-yayaan sa mall. Akala ko nga hindi ako sasama. Naligo muna ako, si Snow ay pinaliguan ko din. Ayaw niya kasi mag-paligo sa nanny niya. Kasalukuyan kaming nasa SUV. Nagd-drive si Thaddeus. Ako nama'y naka-upo sa passenger seat. Naka-kandong sa akin si Snow at nakanta ng Let It Go ng frozen. Natatawa pa ako dahil sintunado siya. Ang cute nga e. Nakarating na din kami sa mall. Pinabayaan na ni Thaddeus sa valet ang sasakyan niya. Hawak hawak ko ang kamay ni Snow habang si Thaddeus naman ay nakalagay ang braso sa aking bewang. Nag-punta kami sa botique, 'yong puro damit pang-baby. Tuwang tuwa ako, ang cute kasi lahat. Ano kaya gender ni baby? Hm. Bumili si Thaddeus ng damit, unisex 'yon kaya no problem. Hindi pa naman kasi namin alam 'yong gender ni baby. Pagtapos ay napadpad kami sa mga gamit pang-buntis. "Mommy, I think you need this," ani Snow at tinuro ang breast pump. Ngumuso ako, bakit alam niya na kailangan ko 'yon? "I saw Tita Elena using this eh," aniya at kinuha 'yon bago nilagay sa cart. "After this we will going to meet my parents and siblings," Thaddeus said. Napaharap ako sa kaniya sa gulat, seryoso siya? Baka mamaya ayaw sa akin ng pamilya niya. Ang nega ko naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD