BRIX POV. HINDI ko inisip ang panganib ang mahalaga lang sa akin ay makita siya at makasama. Kaya kahit nasugatan ako ay ayos lang masaya naman ang aking pakiramdam. Nayakap, nahalikan ko pa ang babaeng mahal ko…. Bigla akong natilihan sa aking mga iniisip. "Did I say mahal ko na talaga siya? ano pa nga ba Brix, hindi pa ba samatalang obvious naman huh! Kahit kamatayan yata ay hindi makakapigil sayo makita lang ang babaeng kinababaliwan." “Dude, ayos ka lang ba riyan, bakit mukhang lumilipad ang iyong isipan?” “Anong sabi mo, Pareng Bart?” “Naku! Mukhang malapit ka nang manghuli ng langaw sa loob ng eroplano.” “F*ck you! Hindi pa ako baliw, may iniisip lamang ako.” “Kaya pala kanina ka pa day dreaming. May pangiti ngiti ka pang mag-isa, kahit ang pagpasok ko sa pintuan ay hindi mo ma