MILES POV. HINDI ako basta makakilos na lang dahil kay Brix. Ang hindi ko maintindihan ay bakit naririto ang lalaking ito at kasama ng mga tauhan ni General? Hindi ko naman magawang lapitan ang pinsan kong si Alias. Gusto ko siyang tanungin kung anong ginagawa nila sa lugar na iyon? Ngunit paano ko siya lalapitan kong laging nakahawak sa akin si Brix. Kulang na lang ay yumakap sa katawan ko ang lalaking ito huh! “Lumayo ka nga sa akin, alam mo namang nasa delikadong sitwasyon tayo ‘di ba?” “Alam ko, kaya nga ayaw kitang payagan na sumali sa kanila eh. Mamaya ay matamaan ka ng bala doon.” “Tigilan mo ako Brix, dapat nasa honeymoon ka ngayon hindi ba?” “Wala at hindi! Bakit mo naisip ang honeymoon? Humn… siguro iniisip mo na pagkatapos ng kasal ko ay naroon kami ni Laarni sa malamig na