MILES POV. WALANG pagdadalawang isip na kinalabit ni Zaizen ang silencer na baril. Butas ang ulo ng pinuno ng bumagsak sa sahig habang umaagos ang dugo nito sa ulo. Nagkatinginan kami ni Craig, sa mga naririnig, ayon pa sa usapan ng ibang bighag ay maraming namatay na rebelde. Kaya napilitan magsurender, at ngayon ay sinubukan ni Craig, alisin ang tali sa kanyang mga kamay. “Macy, Craig!” sabay pa kaming lumingon. Naroon si Micah at Enzo sa labas ng kulungan habang inaalis ang lock ng pinto. Nang mabuksan iyon ay inalisan nila kami ng mga tali. Hindi ako nagsalita o kahit magpasalamat ay hindi ko ginawa kay Enzo. Mabilis akong naglakad palabas ng madaanan naming ang iba pang bihag. Kinuha ko ng knife sa kamay ni Micah. Binuksan ko ang kulungan ng mga bihag at pinalaya sila. “Wait.” Nar