BRIX POV. GUSTO kung lumaban pero kahit yata anong gawin ko ay hindi ko kayang talunin ang lalaking ito. At siguro kahit hindi nabugbog ang katawan ko gawa ng pagtalon sa mula sa aking sasakyan ay hindi ko pa rin kayang tapatan ang galing ng lalaking ito. Pero hindi ako susuko, kisa naman mamamatay ako ng hindi lumalaban. “Ayaw mong magsalita? Talagang nagpapakamatay ka ba?” hindi ako sumagot, ang nasa isipan ko ay lalaban ako hanggang may natitira pa akong lakas. Subalit hindi ko nakayanan ng dalawang magkasunod na sipa ang tumama sa aking katawan. Bumagsak ako sa sahig at hindi pa man lang ako nakakatayo ay hinablot pa ako nito ng malakas. Kaya naging sanhi ng pagkapunit ng aking t-shirt. “Enough! Baka mapatay mo na siya.” narinig ko ang malakas na boses mula sa isang lalaki. “Talaga