MILES POV. KARARATING ko lang ng bansang Pilipinas, at kahit pagod ay dumiretso ako ng library. Inangat ko ang painting at hinila ang isang maliit na bagay doon. Agad na bumukas ang laguasan, mabilis ang kilos ko na binuksan ang vault. Subalit nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala na wala na roon ang titulo, secret agreement, ilang pirasong gold bar at naka bundle na pera. Hinalungkat ko pa ang ibang papel doon ngunit wala talaga hindi lang yon pati ang 50% na ng asset ay wala din. Napaka imposibleng nawala iyon sa vault, kaya ang ginawa ko ay sinara iyon at dalidaling nagtungo sa living room. Pinatawag ko ang mga kasambahay at guwardya. “Sinong pumasok dito, may isa man ba sa inyo na nagtungo sa library?” wala akong narinig na sumagot kahit isa. “Nagtatanong ako sinong pumas