BRIX POV. TUMULOY pa rin kami sa beach. At sinikap na balewalain ang mga nangyayari. Pansamatalang kinalimutan ang sitwasyon upang pasayahin ang aming anak. Kitang kita ko ang kaligayahan sa mga ngiti ni Gabbi. Si Macy ay alam kong pinipilit lang nito na maging masaya sa harapan ng aming anak. “Anak tama na muna iyan at masyado ng mainit. Baka magkaroon ka ng sunburn, isa pa ay kakain na tayo.” “Sige po Daddy,” tumayo na ito pagkatapos ay humawak sa akin kamay. At magkasama kaming naglalakad patungo sa loob ng resorts. Naroon na si Macy, at naghihintay sa amin. Asikasong-asikaso ni Macy ang aming anak ganun din ako. Kulang na lang yata ay subuan niya kaming dalawa ni Gabbi. Bandang hapon ay nakatulog si Gabbi kasama si Kuya Kyle. Kami ni Macy ay bumalik sa dalampasigan. Naroon ang mg