BRIX POV. 5-YEARS LATER…. HANGGANG ngayon ay masakit pa rin ang pagkawala ng asawa ko. Ang hindi ko maintindihan at aking ipinagtaka, pati si Evannah ay naglahong parang bula. Ilang beses akong nagpabalik balik sa mansion Donovan, ngunit matagal na raw hindi umuuwi doon ang dalaga. Kahit anino ni Craig ay hindi ko na rin nakita pa. “Alias, gisingin mo na si Gabbi at aalis na tayo.” “Sir GB, si Mazie Mitz, ay iyak ng iyak ayaw magpabihis sa kanyang yaya.” “Sige pupuntahan ko na lang siya,” at nagmamadali ang aking hakbang patungo sa kwarto ng aking bunso. “Yaya Nita, ako na po ang bahala sa kanya.” “Sige po Master GB, ihahanda ko na lamang ang mga gamit niya.” “Huwag mong kalimutan ang extra pamalit ang bunso ko.” “Opo, Master GB.” Nang maiwan kaming dalawa ni Mitz ay tumakbo siy