MILES POV. ANG huling natatandaan ko ay dinala nila ako sa loob ng yacht. Pagkatapos merong itinurok sila sa akin at pag gising ko ay nasa loob na ako ng isang clinic. Nag-iisa at walang kahit isang tao sa paligid. Kahit hirap akong kumilos ay pinilit kong makalabas mula sa kwarto na aking kinaroroonan. Pagdating sa labas ay mabilis akong nagtago sa may makapal na halaman. Dahil sa paparating na mga taong nakasakay sa motorcycle. Isa-isa silang nagbabaan at tumakbo agad sa loob pagkatapos ay hindi nagtagal ay nagsisigaw ang isa lalaki. “Kumalat kayo, siguradong hindi pa iyon nakakalayo. Hanapin ang babaeng lintik na yon or mananagot tayong lahat kay General!” Kuyom ang aking kamao at nagngangalit ang aking bagang sa narinig. Hanggang nakarinig ako ng isang lalaking parating at agad na