BRIX POV. NAKATINGIN lang ako sa taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko na alam kung alin ang paniniwalaan ko. Ang sinabi ng kaibigan ni Lynne o ang sinasabi ng babaeng ito. “Alam mo Brix, matagal ka ng pinapaikot ni Alias at Macy Miles a.k.a Lynne. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang babaeng iyon ang nirekomenda sayo ng bodyguard mo?” “Shut up! Umalis ka na dahil wala akong pinapaniwaalan sa mga salita mo o ng kahit sino!” nakita kong meron siyang kinuha sa kanyang bag at ibinato sa ibabaw ng table ko. “Bakit hindi mo tingnan ang laman niyan at nang maniwala ka sa mga sinasabi ko!” sa inis ko ay dinampot ko iyon at binalik sa kanya. “Umalis ka na bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sa p********e mo.” dinampot niya ang bagay na yon at tumayo. Ang akala ko ay aalis na ito ngunit b