BRIX POV. NANG makatulog si Macy ay pinuntahan ko si Mrs. Em Em. Matindi ang galit ko sa babaeng ito, ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili dahil pag nagkataon ay ako rin ang talo. "Hindi ito pagbabanta, ngunit ilagay mo dyan sa makitid mong isipan. Na sa susunod mong hakbang ay tutuluyan na kita! Magkano lang ang buhay mo, para panghinayangan ang ibabayad ko sa halaga ng pagkatao mo. Masyado nang malaki ang kasalanan mo sa akin at sa asawa ko. Isang pitik lang ng daliri ko ay maglalaho kang parang bula sampu ng pamilya mo!" halos maglabasan ang ugat sa aking leeg sa tindi ng galit ko. Siguro dahil sa naipon sa mahabang panahon at ngayon ko lang nailabas. "Bakit hindi mo gawin, sa akala mo yata ay natatakot ako huh!" "Try me, pero hindi ko hahayaan na malapatan ng dugong kri