MILES POV. NAMULATAN ko ng mata si Brix, nakatayo ito habang nakatingin sa akin. Ang malamlam niyang mga mata ay hindi man lang kumukurap sa pagkakatitig sa mukha ko. At ng mga sandaling iyon ay naramdaman ko ang koneksyon naming dalawa. Ang buong atensyon ko ay nabuhos lahat sa kanya. “Macy Miles, ang sampung taong gulang. Ang batang babae na laging nag bibigay sa aking ng gamot.” sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Brix ay unti-unting nagbigay ng takot sa akin. “Iniisip mo ba na tanga ako? O maaring inaakala mo na bobo talaga ang isang Brix Guevarra?” “B-Brix, w-wala akong iniisip na ganun.” Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. “Kung wala kang iniisip sa akin ng ganun bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?” “D-Dahil natatakot ako, sa mga pinagdaanan mong hirap sa kamay ni Momm