BRIX POV. PAALIS na ako nang tumawag ang kaibigan kong si Bart. Ang sabi ay hintayin ko siya dahil may mahalaga siyang sasabihin sa akin. Kung pwede naman sa phone niya sabihin. Ngunit mas mabuti raw na magkaharap kami. At ngayon pa talaga sumabay kung kailan may lakad ako. Pagtingin ko sa aking relo ay almost seven in the evening. At naghihintay na ang dalawang kapatid ko. “Nasaan ka na ba? Dahil nagmamadali ako.” “Malapit na ako, ten minutes Dude.” “Fine!” panay tingin ko sa orasan at nang sumapit ang sampung minuto ay bumukas ang pintuan. “Anong iyong sasabihin mo at bilisan mong magsalita dahil nagmamadali ako!” “Here, ako mismo ang kumuha ng resulta na yan sa ospital” at mabilis kong inabot iyon upang tingnan. “Napakatagal na nito.” “Tama, at mula noon ay hindi na siya nakabal