MILES POV. NAKATAYO ako sa gilid ng wall habang itinatali sa mukha ko ang hinubad kong t-shirt. At ang tanging naiwan sa aking katawan ay ang suot kong sando. Tinali ko rin muna ang buhok kong may kahabaan at humugot ako ng mahabang hininga. Bago ko binunot sa magkabilang baywang ko ang dalawang baril na pagmamay-ari mismo ni General. Tanging iyon ang nahagilap ko sa pagmamadaling mahabol ang lalaking galing sa msimong kwarto ng ama. Maingat kong nilapitan ang isang lalaking may hawak na mahabang baril. Ubod lakas kong pinalo siya sa ulo na kinalugmok nito sa semento. Pagkatapos ay tumalon ako sa mismong harapan ng limang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan. Ang mga ito na walang awang sinasaktan ang aking ama. Kasabay ng sunod sunod kong kalabit sa gatilyo ng baril. Lahat ay sa kamay ang