BRIX POV. HANGGANG sa mga oras na yon ay hindi ko pa rin maisip kung sino ang nag-ahit sa akin. Nang magising ako ay malinis ang aking mukha at nakabihis na ako ng pantulog. “Dude, narito na tayo at sino ang nagpapagulo ng isipan mo?” “Wala, Alias, nasaan pala ang aking maskara?” “Naririto Sir GB.” Sabay abot niya sa akin at agad na sinuot ko iyon. Pagka park ng sasakyan ay mabilis na bumaba si Alias. Hinila niya ang pintuan sa tapat ko at agad akong bumaba. Inayos ko pa muna ang aking suot bago ko tinulak si Bart. “Dude, huwag mo naman akong itulak.” “Dahil ang bagal mo dapat diyan ka sa unahan at kami ni Alias, ang makikita ng mga tao na siyang bodyguard mo.” “Fine! At humakbang na siya sa unahan namin. Kaming dalawa ni Alias, ay nakasunod lang sa kanya. Ngunit pagdating namin s