BRIX POV. NAKATAYO ako sa gitna ng nakabukas na pinto habang nakatingin sa babaeng nakasuot ng puti. At kahit nakatabon ang belo sa kanyang mukha ay kilalang kilala ko siya. Walang iba kundi si Macy Miles. Ang huling taong inakala kong hindi ako tatalikuran. Nang malapit na siya sa altar ay hindi ko na napigilan. Sunod sunod na pumatak ang aking luha at dumaloy sa aking pisngi. Nang abutin ng lalaking pakakasalan niya ang kanyang kamay. At hinalikan iyon ay dahan dahan na akong tumalikod. Ang akala ko ay naranasan ko na noon. Ang pinaka masakit na pinagdaanang parte ng buhay ko. Hindi pa pala dahil mas masakit ang pangyayaring ito sa akin ngayon. Ang tuluyang iwanan ako ng babaeng natutunan ko nang mahalin. Umasa ako ng lubos at nagtiwala sa mga pangako niya. Pero ang lahat pala ay ka