MILES POV. ISANG linggo pa ang lumipas at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag desisyon. Hindi naman ako pinipilit ni General. Ngunit wala naman akong pagpipilian. Ang hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Brix. Alam kong hindi siya papayag pero kailangan kong sundin ang kaghilingan ng aking ama. Alam kong ginagawa niya iyon para sa ikabubuti namin, ganun din ang mga bata. Ilang beses nang tumunog ang aking cellphone. Ganun din ang sunod sunod na pagpasok ng mga text messages na galing mismo kay Brix. Kaya sa halip na sagutin iyon ay pinindot ko ang off. Huminga ako ng malalim at saka tuloy tuloy na lumabas. Tinungo ko ang lugar kung saan ay naghihintay sila sa akin. “She’s here, maaari na tayong magsimula.” Sa aking naririnig ay gumala ang aking mata sa kabuuan ng conference ro