MILES POV. NAGISING ako na hindi ko maigalaw ang aking katawan. At unti-unting bumalik sa isipan ko ang mga nangyari. Gusto kong bumangon upang tawagan ang aking mga kasamahan. Nang malaman ang nangyari kay Enzo, ngunit hindi ako makabangon. Lumingon ako kabilang side at napa kunot-noo ako sa taong naroroon. Bakit narito si Brix. Anong ginagawa niya rito? Sinikap kong igalaw ang aking braso upang gisingin siya. "M-Macy? Oh! Thank God, at nagising ka na. Saglit at tatawagin ko ang mga doktor." Tumakbo na siya patungo ng pintuan, maya maya ay pumasok ang dalawang doktor at nakilala ko ang kapatid ni Brix. Ibig sabihin ay nasa Pilipinas na ako? Paano nangyari yon na naririrto ako sa sarili kong bansa? Samantalang nasa mission kami sa loob ng underground. "Marahil ay nagtataka ka kung bakit