BRIX POV. WEEKS na ang nakalipas at hinding hindi na nagpakita sa akin si Macy Miles. Ayaw kong isipin ang mga sinasabi ng pinsan kong si Josh. Dahil kung totoong mas naunang nakabalik ng ospital si Macy. Bakit hindi ito pumasok ng kwarto ko? Unless narinig niya ang usapan naming tatlo nina Dark at Delta. Kung ganun ay buking na pala ako. At kaya hindi na nagpakita si Macy sa amin ay alam na niya ang totoo. “Ikaw naman kasi hindi ka nag-ingat. Paano yan pag nagkataon ay saan mo siya hahanapin?” hindi ako sumagot sa sinasabi ni Bart. Tama ito siguradong mahihirapan ako ngayon na malayo na siya sa akin.” “Mag-isip ka ng ibang dahilan upang mapabalik natin siya.” “Ano namang dahilan, ayaw ko na ng kasinungalingan. Nakokonsya na ako sa ginawa nating ito kaya ayaw kong dagdagan pa.” “Anon