MILES POV. HATINGGABI, maingat akong bumangon. Pagkatapos ay mabilis na nagbihis ng all black assassin attire. Kaninang nakatanggap ako ng mensahe sa private number ko ay pinaghandaan ko na talaga ito. Matapos masigurong nasa katawan ko ang aking kailangan ay lumabas na ako ng kwarto. Siniguro kong naka-lock ang mga pintuan ng bawat kwarto. Bago tuluyang lumabas ng main door. Tahimik ang kapaligiran at walang maririnig kundi huni ng panggabing kulisap. Walang ingay na narating ko ang gilid ng falls. Doon ay naghihintay si Evannah, Sasha at Feng. “Let’s go!” Bawat-isa sa amin at nakatanod sa paligid ng resthouse. At kahit ang mga bodyguard ay walang alam sa paligid. Ingat na ingat ang bawat kilos naming apat. At hindi nagtagal ay nakarinig kami ang mga yabag. Gamit ang earpiece ay nags