BRIX POV. MATAPOS ang pangyayaring yon ay hindi na naulit pa. Hanggang sumapit ang binyag ng bunsong anak namin. Dumating ang buong angkan ng mga Montemayor. Nagmistulang fiesta ang hacienda sa dami ng tao. At karamihan sa mga kaanak ko ay mahilig mangabayo. Kaya naman ay nagkaroon pa ng paligsahan. Sa malawak na bakanteng lupa ay nakahilira ang nasa sampung chopper. Ang iba ay nag eroplano at sinundo na lang sa Laoag Int’l airport. “Mahal, ang saya ano pag malaki ang pamilya.” wika ko kay Macy. “Yeah, kabaliktaran ng pamilya ko. Apat lang yata kami nila Tita Amy, General at Kuya Zai.” Kita ko ang lungkot sa mukha ni Macy. Alam kong naalala na naman niya si Lynne at kanyang Mama. “Ayos lang yon dahil malaki naman ang pamilya Montemayor. Kaya hindi ka dapat malungkot, kapamilya mo na r