BRIX POV. AKALA ko mamamatay ako sa ilalim ng tubig. Dahil hindi ako halos magkasya sa lagusan, nang bigla akong hilahin ng aking asawa. Kasunod ay lumapat ang labi niya sa aking labi upang bigyan ako ng hangin. At ilang sandali pa ay tuluyan na kaming lumitaw sa ibabaw ng tubig. Halos napanganga ako sa ganda ng lugar. Totoong walang katulad ang mala-paraisong falls na iyon. At kahit ang aking asawa ay hindi rin makapagsalita. "Mahal, let's s*x?" bigla kong nasabi sa aking asawa. "Magtigil ka! Parang kanina lang ay gusto mong isumpa ang lugar na ito." At pagkasabi ko ay tumalon ako sa tubig. Mas malalim ang falls na ito kumpara sa kabila, at napakalinaw ng tubig. Kitang kita ang kalaliman, napakasarap magbabad doon. "Brix, halika na ang sarap dito." Pero. Nakatingin lang siya sa akin