GABRIEL BRIX & MACY MILES. The new beginning of a new phase in their married life. NARITO kaming dalawa ng aking asawa na si Miles, sa isang mala-Paraiso na lugar. Ang isa sa famous tourist spot dito sa bansang Pilipinas, ang Batanes. Katatapos lang ng aming kasal, at dito kami mag-spend ng honeymoon. Kagigising ko lang mula sa konting oras na pinagpahinga namin dahil sa biyahe. At natanaw kong nakatayo sa gilid ng glass wall, ang aking asawa na si Miles. Hindi muna ako lumapit sa kanya at hinayaan ko siyang nakatanaw sa papalubog ng araw. Napakaganda talaga niya, sa suot na sitro ay aninag ko ang perpektong hubog ng kanyang katawa. At kahit tatlo na ang aming anak ay walang nabago sa kanyang katawan. Bagaman at nagkaroon siya ng scar dahil sa pwersahang pagkuha sa aming ikalawang an