GABRIEL POV. NAGISING ako sa isang hindi familiar na lugar. Nang igala ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid ay napa kunot-noo ako. Paanong napunta ako sa lugar na ito? At napalingon ako sa isang babaeng naglalakad patungo sa aking hinihigaan na kama. “Gising ka na pala mister, kumusta ang pakiramdam mo?” “Ayos naman, teka sino ka at nasaan akong lugar?” Naririto ka sa bahay ko… “What?” at mabilis akong bumangon. Agad na tumayo ako at lumapit sa bintana. Sumilip ako doon at nakita ko ang malawak na karagatan. “Naririto ka pa rin sa Batanes, kung iniisip mo na ibang lugar na ito.” “Salamat, pero aalis na ako. Siguradong kagabi pa nag-aalala ang aking asawa dahil hindi ako nakauwi ng tinutuluyan naming bahay.” “Asawa? may asawa ka na?” tila hindi makapaniwalang tanong pa niya sa