(AMELIE) Mabuti na lang bukol at mga sugat ang tinamo ng estrangherong lalake. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ice pack ang kanyang noo. Nagmistula siyang unicorn. May sungay dahil sa bukol niya. Ako mismo ang nagdala sa kanya ng sa hospital. Nang makita kong nabangga siya ay kaagad akong humingi ng tulong sa convenience store at nagkataon na may pressence of mind ang tindera. Pinagtulungan namin na alisin ang lalake sa loob ng kotse dahil baka raw mag-apoy at sumabog. At saka tumawag ng ambulansya. Nagboluntaryo akong sumama dahil hindi ko maatim na pabayaan na lang ang lalakeng walang malay. Plano ko lang naman sana na ihatid sa hospital at kung maayos na ang lahat ay aalis din ako kaagad pero hindi nga nangyari dahil hindi ako pinapaalis ng doctor at nurse hangga't hindi pa nagkaka